Bumisita ang College of Economics, Management, and Development Studies (CEMDS) ng Cavite State University sa Southern Luzon State University (SLSU) bilang bahagi ng kanilang programang Lakbay-Aral, Agosto 1, 2024.
Pinuntahan ng delegasyon ang Office of Research Services (ORS) at Office of Extension Services (OES) ng SLSU.
Mainit silang tinanggap ng mga opisyal mula sa mga opisinang bahagi ng Research, Extension, Production, Development, and Innovation (REPDI) ng SLSU, kabilang sina Dr. Marissa C. Esperal, Pangalawang Pangulo para sa REPDI, Dr. Felino J. Gutierrez, Direktor ng OES, at Dr. Nona D. Nagares, Direktor ng Innovation and Technology Support Services Office (ITSSO).
Previous
Next
Nagsimula ang aktibidad sa mga presentasyon nina Ms. April Arianne A. de Leon, Education Program Specialist ng ORS, at Ms. Jaquelyn D. Merjudio, Project Development Officer ng OES. Ibinahagi nila ang mga kaalaman tungkol sa mga serbisyo, programa, aktibidad, kolaborasyon, at mga pinakamahuhusay na praktika ng kanilang mga opisina.
Previous
Next
Pagkatapos ng mga presentasyon, nagkaroon ng forum kung saan tinugunan nina Dr. Gutierrez, Ms. de Leon, at Ms. Merjudio ang mga tanong at nagpalitan ng mga ideya na nakatuon sa pagpapahusay ng kalagayan at inisyatibo ng RDE sa mga unibersidad.
Bilang pagtatapos, nagpasalamat si Dr. Glenda S. Pena, Tagapangulo ng CEMDS Department of Development Studies, sa ngalan ng delegasyon para sa makabuluhang palitan ng kaalaman at nagpahayag ng pagnanais na makatuwang ang SLSU sa isang kolaborasyon sa hinaharap.