Kinilala ang mga mananaliksik mula sa Southern Luzon State University (SLSU) sa 7th Asia Future Conference (AFC), na inorganisa ng Sekiguchi Global Research Association (SGRA) sa pakikipagtulungan ng Chulalongkorn University, Bangkok, Thailand, Agosto 9 hanggang 13.
Pinangunahan ni Dr. Felino J. Gutierrez, Jr. ang grupo na nagwagi ng Best Paper Award para sa kanilang pag-aaral na pinamagatang "Factors Affecting Social Fencing Outcomes: The Case of Mounts Banahaw-San Cristobal Protected Landscapeโ.
Dagdag pa rito, napanalunan ni Dr. Kathreena E. Gutierrez ang Best Presentation Award para sa kanilang pananaliksik na “Species Distribution, Local Stewardship, and Economic Value of Batikuling (๐๐ช๐ต๐ด๐ฆ๐ข ๐ญ๐ฆ๐บ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด Merr.) in the Province of Laguna and Quezon, Philippinesโ.
Samantala, kumatawan din sa SLSU si Dr. Mary Ann Agudilla na nagpresenta ng kanyang papel na “Domestic Water Usersโ Preference for Improved Conservation of Mt. Banahaw de Lucban Watershed, Quezon, Philippines: Comparison of Contingent Valuation and Choice Experiment.”
Ang mga gurong-mananaliksik na ito mula sa SLSU College of Agriculture ay tumanggap ng tulong mula sa Unibersidad para sa kanilang internasyonal na presentasyon salig sa inaprobahan ng Board of Regents na โResearch Productivity Assistance and Incentives Schemeโ noong 2022.
Nagsilbing plataporma ang 7th AFC para sa mga iskolar at mananaliksik mula sa iba’t ibang disiplina sa buong mundo upang makilahok sa mga talakayan tungkol sa โrevitalizationโ at makahanap ng kaukulang solusyon para sa Asya at sa buong mundo.
Panulat ni April Arianne A. de Leon