Southern Luzon State University

Southern Luzon State University

๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—›๐—ถ๐—น๐—น ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ, ๐—œ๐—ป๐—ฐ. ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐˜ƒ๐—ฆ๐—จ-๐—ง๐—ฎ๐—ป๐˜‡๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†-๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—น

Malugod na tinanggap ng Southern Luzon State University (SLSU) ang mga delegasyon mula sa MaryHill College, Inc., Lucena City, at Cavite State University โ€“ Tanza Campus para sa isang Lakbay-Aral na nakatuon sa mga isinasagawang pagpapaunlad ng Unibersidad sa mga serbisyong akademiko, pananaliksik, at extensyon. Ang aktibidad ay naganap noong Agosto 15 sa REPDI Training Hall, REPDI Building, SLSU, Lucban, Quezon.

Ipinahayag ni Dr. Marissa C. Esperal, Bise-Presidente ng SLSU para sa Research, Extension, Production, Development, and Innovation (REPDI), ang kanyang pasasalamat sa mga bumisitang delegasyon sa pagpili sa SLSU bilang destinasyon para sa Lakbay-Aral. Binanggit niya na ang pagbisitang ito ay sumasalamin sa lumalaking pagkilala sa mga ambag ng SLSU sa larangan ng akademiko at agham.

Kasama sa programa ang pagpapanuod ng isang presentasyon na nagbigay sa mga bisita ng ideya sa mga pag-unlad na naganap sa SLSU noong mga nakaraang taon hanggang umabot na ito sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Kasunod nito, ipinakilala ni Asst. Prof. Percival Verano, Direktor para sa Instruction, ang mga miyembro ng SLSU Administrative Council at ibinahagi ang mga gawaing sinimulan ng kanyang opisina, partikular na yaong nagbigay ng malaking epekto sa pagtaas ng resulta ng mga licensure examination ng mga mag-aaral ng Unibersidad.

Sa larangan ng pananaliksik, tinalakay ni Ms. April Arianne A. de Leon, Education Program Specialist ng Office of Research Services (ORS), ang mga tungkulin ng kanilang opisina, kabilang ang mga serbisyo, insentibo, at parangal na ibinibigay sa mga mananaliksik ng SLSU. Dagdag pa rito, pinahayag ni Dr. Nicanor L. Guinto, Direktor ng ORS, ang mga naisakatuparan sa pananaliksik na nakamit dahil sa pagpapatupad ng mga programang nabanggit. Ipinakita rin niya ang mga pasilidad para sa pananaliksik ng SLSU, kabilang ang mga kasalukuyang itinatayo pa lamang.

Ibinahagi rin ni Ms. Jaquelyn D. Merjudio, Project Development Officer ng Office of Extension Services (OES), ang mga programa, proyekto, at mga natatanging tagumpay ng OES sa nakalipas na mga taon, na nagbibigay-diin sa mga mahuhusay na estratehiya na kanilang isinagawa upang mapasulong ang kanilang mga serbisyo.

Nagbahagi rin si Mr. Giehway R. Liwanag, Science Research Assistant ng Innovation and Technology Support Services Office, ng mga impormasyon tungkol sa mga pagsisikap ng unibersidad sa proteksyon ng intellectual property, pagbabahagi ng teknolohiya, at komersyalisasyon nito.

Samantala, namigay ang Office of Production Services sa mga bisita ng mga sampler na sabon na ginawa mula sa SLSU Sanitation Facility.

Natapos ang pagpupulong sa pagtanaw sa hinaharap sa posibilidad ng pagkakaroon ng kolaborasyong akademiko at pang-agham sa mga institusyong bumisita sa SLSU.

Panulat ni April Arianne A. de Leon

Scroll to Top