Southern Luzon State University

Southern Luzon State University

Bagong Academic at Administration Building sa SLSU Polillo, opisyal nang binuksan

Opisyal nang binuksan noong ang bagong Academic at Administration Building ng Southern Luzon State University (SLSU) Polillo Campus sa isang maikling seremonya ng pagpapasinaya noong ika-4 ng Agosto.

Pinangunahan ng mga opisyal ng SLSU, mga guro at kawani ng kampus, at ilang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ng Polillo ang naturang programa. Dumalo rin sa okasyon sina Mr. Loel Santoalla bilang kinatawan ni Cong. Wilfrido Mark M. Enverga, at si Vice Mayor Ginalyn O. Flores bilang kinatawan ni Municipal Mayor Angelique E. Bosque.

Nagpahayag ng pasasalamat sina Dr. Frederick T. Villa, Pangulo ng SLSU, at Associate Prof. Ethel Q. Quesea, SLSU Polillo Campus Director. Anila, ang pagkakaisa ng unibersidad at ng pamahalaan sa layunin na makapaghatid ng maayos na edukasyon sa mga mamamayan ng Polillo ay nagbigay-daan sa pagkakaroon ng mga bagong gusali.

‎Siniguro naman ng mga kinatawan ni Cong. Wilfrido Mark M. Enverga na si Mr. Loel Santoalla at ni Municipal Mayor Angelique E. Bosque na si Vice Mayor Ginalyn O. Flores, na magpapatuloy ang suporta ng lokal na gobyerno sa mga proyekto ng SLSU Polillo, maging pagdating sa pagkakaloob ng mga scholarship grant sa mga estudyante.

‎Kaugnay nito, binagyang-diin ni Mayora sa isang courtesy visit sa sumunod na araw, Agosto 5, na patuloy ang paghahanap nila ng paraan at lunas upang matugunan ang usapin sa lupaing kinatitirikan ng bagong gusali ng SLSU Polillo.

‎Malaking pasasalamat naman ang inihayag ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng naturang Campus.

‎Ang panibagong mga imprastraktura na ipinagkaloob ni Cong. Enverga ay gagamitin na sa pagsisimula ng klase ngayong Agosto.

Photo, layout, & article: SMRRivere

Scroll to Top