.jpg)
Pinasinayaan na ang SPORTSS Program (Sports Performance Optimization, Revitalization, and Transformation for all Sectors of the Society: A Community Sports and Wellness Program) noong ika-14 ng Agosto kasabay ng pagdiriwardng ng ika-61 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Southern Luzon State University (SLSU).
Kaakibat ang Commission on Higher Education (CHED), nabigyan ng Php 21,461,800.00 pondo ang proyekto na maglalayon na magtayo ng mas maayos at mas maraming pasilidad sa paaralan, at magsanay ng mas maraming kabataan, may kapansanan, matatanda, at iba pa na interesadong matuto at magsanay sa larangan ng pampalakasan. Sa pamamagitan ng proyektong ito, makakapagbigay ng mas malawak na serbisyo ang unibersidad sa mga stakeholder nito kabilang na ang komunidad at iba pang karatig-bayan.
Ang programa ay pinangunahan ng Pangulo ng Unibersidad, Dr. Frederick T. Villa; CHED CALABARZON Regional Director, Dr. Rogelio T. Galera, Jr., CESO III; VP for Administrative and Financial Affairs, Dr. Arvin N. Natividad; Chief Administrative Officer (CAO), Dr. Erwin Villaverde; Director ng Project Management Office (PMO), Engr. Melvin A. Makipagay; mga miyembro ng SPORTSS Program; at ng dating pangulo ng pamantasan, Dr. Doracie B. Zoleta-Nantes.
Inaasahan naman na matatapos ang proyekto sa loob ng 24 buwan.
Litrato, layout at artikulo: SMRRivere