.jpg)
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-61 anibersaryo ng Southern Luzon State University (SLSU), opisyal nang pinasinayaan ang International Affairs and Graduate School (IAGS) Building at YES Café na may layuning mapalawak ang mga pasilidad para sa graduate studies at international collaborations, gayundin ang pagbibigay ng maaliwalas at produktibong espasyo para sa pag-aaral, pagtitipon, at pagpapalitan ng ideya ng mga mag-aaral, guro, at bisita ng unibersidad, Agosto 14.
Pagpapatibay ng Ugnayan at Serbisyo
Layunin ng IAGS Building na mapalawak ang serbisyong pang-akademiko at mapagtibay ang ugnayan ng unibersidad sa iba’t ibang sektor, lalo na sa larangan ng graduate studies at international partnerships.
Kaugnay nito, pinangako ng pamunuan ng SLSU na sisikaping mabigyang sapat na pondo ang nasabing pasilidad upang higit pang mapaganda at mapaunlad ang mga serbisyo at imprastruktura para sa kapakinabangan ng buong komunidad.
Samantala, pinasalamatan ni Dr. Mari Jane Lee, Dekana ng Graduate School, ang lahat ng naging katuwang upang maisakatuparan ang pasilidad.
Samantala, pinasalamatan ni Dr. Mari Jane Lee, Dekana ng Graduate School, ang lahat ng naging katuwang upang maisakatuparan ang pasilidad.
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Inisyatibo para sa Mas Malawak na Espasyo
Ayon kay Dr. Frederick T. Villa, pangulo ng SLSU, ang proyektong ito ay bunga ng malawak at makabuluhang inisyatibo alinsunod sa pangakong isulong ang sustainability sa institusyon.
Samantala, ibinahagi ni Engr. Melvin Makipagay, Direktor ng Project Management Office, ang proseso ng konstruksyon at ipinakita ang kabuuang plano, kasabay ng pasasalamat sa mga naging bahagi ng proyekto.
Ang proyektong ito, kasama ang Yes Park, ay kabahagi ng rehabilitasyon ng Hermano Puli Orchidarium kung saan gagawing Ecological Park para sa mas maging kapaki-pakinabang sa hanay ng mga guro, estudyante at iba pang stakeholders ng unibersidad.
Ang pagbubukas ng IAGS Building at YES Café ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng SLSU na maglatag ng mga makabagong pasilidad at programang magtataguyod ng akademikong kahusayan, internasyonal na ugnayan, at inklusibong kapaligiran—isang hakbang patungo sa higit pang maunlad, makabago, at makabuluhang hinaharap para sa buong komunidad nito.
Artikulo at lapat ni: Tricia A. Villarama
Larawan: SMRRivere