Kaalinsabay ng ‘Farmworker Appreciation Day,’ pormal na binuksan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Atimonan, Quezon ang Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa kanilang bayan.
Lubos ang galak ng mga magsasaka at mangingisda na nakasaksi sa nasabing gawain.
Ang FITS Center ay magsisilbing pasilidad na layong ilapit ang kaalaman ukol sa angkop at makabagong teknolohiya sa agrikultura para sa mga magsasaka, mangingisda, kabataan, at iba pang kliyente.
Nagpaabot naman ng pagsuporta si DA-ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa paglulunsad ng ika-18 FITS Center sa lalawigan ng Quezon, gayundin ang mga katuwang mula sa Southern Luzon State University (SLSU) at Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.