Southern Luzon State University

Southern Luzon State University

SLSU, CNSC, at TK Pinangunahan ang Knowledge, Networking and Learning Exchange para sa mga Lokal na Tagapamahala ng Probinsya ng Quezon at Camarines Norte Kaugnay sa Environmental Governance

Sa pagpapatuloy ng proyektong EJSRP 3, ang Southern Luzon State University (SLSU) ay muling nakipagtulungan sa Tanggol Kalikasan (TK) at sa Camarines Norte State College (CNSC) para sa “Knowledge, Networking and Learning Exchange for the Local Chief Executives of the LGUs of Quezon and Camarines Norte along the Pacific Seaboard” na isinagawa sa Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC), Dumangas, Iloilo, noong Agosto 5-9, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong sanayin ang mga lokal na tagapamahala ng Quezon at Camarines Norte sa mga batas, regulasyon, at ordinansa patungkol sa kapaligiran, kalikasan, at karagatan, pati na rin ang mga estratehiya sa pagpapatupad ng mga ito, partikular sa mga krimeng pangkapaligiran tulad ng wildlife trafficking, illegal logging, at illegal timber trade.

Mula sa Lalawigan ng Quezon, nakilahok ang mga Municipal Mayor, Vice-Mayor, at mga opisyal na delegado mula sa walong munisipalidad kabilang sina Hon. Mayor Eliseo R. Ruzol ng General Nakar, Hon. Mayor Nelmar T. Sarmiento ng Jomalig, Hon. Mayor Diana Abigail D. Aquino ng Real, Hon. Vice Mayor Gina P. Gonzales ng Burdeos, Hon. Vice Mayor Reynaldo A. Añonuevo ng Patnanungan, Hon. Coun. Marlon C. Potes ng Infanta, Hon. Coun. Andrea V. Olase ng Perez, at Mr. Jhon Errol D. Sisperez, MGDH I ng Quezon. Samantala, kabilang sa mga nakilahok mula sa Camarines Norte sina Hon. Mayor Adrian S. Davoco ng Basud, Hon. Mayor Donovan A. Mancenido ng Talisay, Hon. Vice Mayor Ryan Jeffrey T. Mendoza ng Santa Elena, Hon. Vice Mayor Casimero B. Padilla ng Jose Panganiban, at Ms. Monica M. Buenvinuto, AT ng Vinzons.

Kabilang sa mga naging tagapagsalita sa aktibidad si For. Eraldwin A. Dimailig mula sa College of Agriculture (CAg) ng SLSU, gayundin sina Hon. Mayor Alfredo M. Coro II ng Del Carmen, Surigao Del Norte, Dr. Emma L. Ballad ng DA-BFAR, Tuguegarao City, at For. Ernie Urriza, Senior GIS Specialist ng Conservation International-Philippines.

Ang mga lokal na tagapamahala ay bumisita sa BFAR Monitoring Center, DENR Biodiversity Bureau, sa Lungsod ng Quezon. Bukod dito, binisita rin nila ang Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) sa bayan ng Tigbauan, Iloilo City, pati na rin ang Southeast Asian Fisheries Development Center-Igang Marine Station. Napuntahan din ng mga delegado ang Taklong Island Natural Marine Reserve (TINMR) sa Nueva Valencia, Guimaras Island.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahan ang mga munisipyong kalahok na magpatupad ng kanilang Area Specific Action Plan (ASAP) na popondohan ng Tanggol Kalikasan (TK) sa ilalim ng proyektong EJSRP 3.

Scroll to Top