Nagtungo ang DA-ATI CALABARZON kasama ang Southern Luzon State University (SLSU) at Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor upang tugunan ang aplikasyon ng lokal na pamahalan ng Mulanay, Quezon ng pagtatayo ng Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor nito.
Sa inisyatibong ito, nilalayon ng bayan ng Mulanay na mapalakas ang kanilang pagbabahagi ng impormasyon sa pagsasaka at pangisdaan.