Tingnan: Isinagawa ang Regional Agri-Fishery Extension Network (RAFEN) Meeting ngayong araw, ika-30 ng Hunyo, 2023, sa BFAR IV-A, Los Baños, Laguna.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga kinatawan mula sa LGUs, SUCs at NGAs. Nagbigay ng pambungad na pananalita si G. Sammy A. Malvas, Regional Director ng BFAR IV-A. Samantala, si Dr. Rolando V. Maningas, Training Center Superintendent II / Center Director ng DA-ATI CALABARZON, naman ang nagbahagi ng pangwakas na mensahe para sa mga nasabing kalahok.
Naging parte ng pagpupulong ang presentasyon ng corporate plan at 3-year development plan ng DA-ATI CALABARZON na ibinahagi ni Ms. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Center Director.