Southern Luzon State University

Southern Luzon State University

PSR Licup, SLSU, at iba pang mga ahensya nagkaisa sa pangangalaga ng Mt. Banahaw

Sa pangunguna ng Board of Regents (BOR) Private Sector Representative (PSR), Kgg. Nelson C. Licup, at ng Southern Luzon State University (SLSU), kasama ang iba’t ibang ahensya mula sa Quezon, pinangasiwaan ang pagtatanim ng mga puno sa Mt. Banahaw de Lucban noong ika-2 ng Agosto.

Bilang panimula sa pagdiriwang ng ika-62 anibersaryo ng pagkakatatag ng SLSU, nagbuklod ang mga ahensya para sa taunang tree growing activity. Kabilang sa mga lumahok ang Munisipalidad ng Lucban, Tayabas City Environment and Natural Resources Office (Tayabas CENRO), Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon Provincial Office, BFP Lucban, Quezon Police Provincial Office, Philippine National Police (PNP) Lucban, Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command (SOLCOM), Department of Works and Highways (DPWH) 1st Engineering District, Rotary Clubs of Lucban and Lucena South, Lions Club of Lucena, Bravo Company, 404th Ready Reserve Infantry Battalion, Philippine Chinese Chamber of Commerce, Quezon Philippine Chamber of Commerce, Quezon Native Tree Enthusiast, and Quezon Lone Tennis Club.

Gayundin, aktibong nakibahagi ang iba’t ibang kasapi at samahan sa SLSU gaya na Administrative Council (AdCo), Faculty Association (FA), Employees Association (EA), Supreme Student Council Federation (SSCF), Faculty and Employees Club (FEC), mga mag-aaral sa unang hakbang ng BS Forestry, Campus Emergency Response Team (CERT), at Disaster Risk Reduction Management Office.

Sa kabuuan, 276 katao ang sumali at nakapagtanim nang nasa isang libong native at indigenous species na puno katulad ng kamagong, white lauan, palosapis, yakal-kaliot, manggasinoro, banai-banai, salinggogon, at kalumpit.

Alinsunod ito sa tema ng selebrasyon ng SLSU, “SLSU ACHIEVEs @ 62: Pinagbuklod ng Husay at Serbisyo tungo sa Inklusibong Pagbabago,” na nagsusulong ng sama-samang makakalikasan na pagkilos.

Ito na ang ikatlong taon ng implementasyon ng naturang pagtatanim—isang panata ng pamilyang Licup. Samantala, nananatili namang pangunahing tagapangalaga ng Mt. Banahaw de Lucban ang SLSU sa ilalim ng Mt. Banahaw Forest Protection and Conservation Unit (MBFPCU) na pinamumunuan ni Dr. Francisco Beltran.

Panulat at paglalapat ni: SMRRivere
Larawan: Shaira Villarante, Marianne Justarez, Jedrick San Miguel, Zayla Avengua, Bosh Dujapa, Glenmyr Hina

Scroll to Top