Bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng Southern Luzon State University (SLSU) na itaguyod ang pagkakapantay-pantay at pagiging inklusibo, matagumpay na isinagawa ng Gender and Development (GAD) Office ang pagbabasbas ng tatlong (3) mobility scooters para sa mga PWD (persons with disabilities / taong may natatanging kakayahan) noong Agosto 10, 2026 sa loob ng pamantasan.
Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga guro, kawani, at mag-aaral ng iba’t ibang kampus ang aktibidad na nagsimula bandang ika-10 ng umaga. Naghatid ng pambungad na pananalita si Dr. Frederick T. Villa, DTech, Pangulo ng Pamantasan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtiyak na ang bawat miyembro ng pamantasan, lalo na ang mga may kapansanan, ay mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad at paggamit sa lahat ng pasilidad at serbisyo ng pamantasan.
Ang pangunahing bahagi ng programa ay ang pagbabasbas ng mga mobility scooter na pinangunahan ng mga opisyal ng pamantasan kasama ang kinatawan ng simbahan. Ang GAD Office ang siyang mangangasiwa sa pagpapahiram nito sa mga PWD na estudyante at empleyado ng SLSU.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ng Direktor ng Tanggapan ng Gender and Development, Associate Professor Rene P. Zubieto, MA, na ang mga mobility scooter na ito ay inilaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa loob ng kampus. Aniya, “Ang aksesibilidad ay karapatan, hindi pribilehiyo. Ang mga mobility scooters na ito ay hindi ipinamimigay kundi ipagagamit sa ating mga PWD upang mas maging maginhawa at ligtas ang kanilang paggalaw sa loob ng pamantasan. Sa pamamagitan nito, nais naming iparating na ang SLSU ay isang pamantasan para sa lahat, [at] walang maiiwan sa pag-unlad.”
Ipinaalam sa mga dumalo na ang mga kagamitang ito ay maaaring hiramin ng mga PWD na estudyante at empleyado sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa GAD Office. Tiniyak din ng tanggapan na ang mga mobility scooters ay regular na susuriin at pananatilihin sa mabuting kondisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga gagamit nito.
Ang pagbabasbas ng mobility scooters na ito ay isang deklarasyon na ang SLSU ay patuloy na nagsusulong ng inklusibong pagbabago, hindi lamang sa usapin ng kasarian kundi pati na rin sa aksesibilidad para sa lahat ng miyembro ng pamantasan, lalo na sa mga taong may natatanging kakayahan.
Plano ng GAD Office na magpatuloy sa pagtukoy ng iba pang pangangailangan ng mga PWD sa pamantasan at maghanap ng mga paraan upang mas mapabuti pa ang paggamit ng mga pasilidad at serbisyo ng SLSU para sa lahat.

Panulat ni: Joyce S. Andrade
Larawan ni: Zayla Avengua
Paglalapat ni: Jayson Caperiña
Larawan ni: Zayla Avengua
Paglalapat ni: Jayson Caperiña