Dagdag pa sa pagpapasinaya ng bagong pasilidad na nakalaan para sa palakasan, inilunsad din ng Southern Luzon State University (SLSU) at ng Commission on Higher Education (CHED) ang libreng pagsasanay para sa iba’t ibang stakeholder ng pamantasan.
Bilang panimula ng mga aktibidad, pormal nang binuksan ang Sports and Wellness Facility na pinondohan ng CHED, noong ika-10 ng Agosto. Ang imprastruktura na ito ay naglalayong maging mas komportable ang paggamit ng pasilidad at mas mahubog pa ang kasanayan ng komunidad sa larangan ng palakasan at akademya.
Simula naman ng ika-11 ng Agosto ay inilunsad din ang Sports Club System, isang sistema na magpapalakas sa kultura ng sports sa SLSU sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga manlalaro, tagapagsanay, guro at iba pang interesado sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Ang unang araw ay inilaan para sa pambungad na programa, plenary sessions, at technical workshops.
Ngayong araw naman ay isinasagawa ang pagtuturo ng mga pamamaraan ng coaching sa mga tagapagsanay at guro. Sa hapon naman ay magkakaroon ng sabayang kaganapan ng mga laro.
Magpapatuloy ang programa hanggang bukas, ika-13 ng Agosto. Dito magaganap ang final coaching demonstrations, technical assessments, at skills evaluation ng mga kalahok.
Katuwang sa mga aktibidad na ito ang mga tanyag na coaches at guro: Asst. Prof. Norberto R. Madrigal, Coach Jose Virgilio Nery Cruz, G. Joel M. Madrona, Dr. Zuriel Ross C. Tabian, Coach Ana Dulce Yango, Coach John Herald E. Caingcoy, Engr. Ten M. Sacopla, G. Roderick T. Reyes, G. Raymond D. Rabano, at Dr. Milpert John B. Maroto.
Samantala, malaki naman ang naging pasasalamat ng Pangulo ng Pamantasan, Dr. Frederick T. Villa, sa CHED at maging sa mga nakasama niya sa proyekto na sina Dr. Sonia D. Abustan, Dr. Federico A. Ceribo, G. Gino A. Cabrera, Dr. Noreen P. Echague, Dr. Nilo H. Dator, Dr. Arvin Natividad, at G. Aurelio Teodoro D. Maguyon III. Aniya, higit pa sa ambag nito sa palakasan, ang proyektong ito ay isang pamumuhunan sa kalusugan ng mga tao.

Panulat at Paglalapat ni: SMRRivere
Larawan ni: Vince Sebastian Pineda at Jake Española