Pormal nang sinimulan ng Southern Luzon State University (SLSU) at Quezon Poultry and Livestock Corporation (QPLC) ang pagpapaunlad ng Poultry Research Facility sa SLSU Site 2, Brgy. Ayuti, Lucban, Quezon, nitong Agosto 11.
Ang groundbreaking ceremony ay nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng pasilidad na nakatakdang suportahan ang pananaliksik, inobasyon, faculty development, at hands-on learning ng mga mag-aaral sa larangan ng agrikultura.
Sa oras na maisakatuparan, inaasahang magsisilbi itong espasyo para sa pagsasagawa ng mga eksperimento, pagbuo at pagsubok ng mga ideya, at paglikha ng mga praktikal na solusyong may kaugnayan sa poultry at agricultural research.
Nakiisa sa seremonya ang Pangulo ng Pamantasan na si Dr. Frederick Villa kasama si Dr. Juanita San Jose, Dekana ng College of Agriculture (CAg); mga kinatawan ng QPLC na sina Bb. Tricia Raya, Bb. Cherrylou Gonzales, G. Ruel P. Gonzales, at G. Edison Abres; Architect Ronald Quejada; at ang mga opisyal, guro, mananaliksik, mag-aaral, at kawani ng pamantasan.
Ang proyekto ay bunga ng pakikipagtulungan na nagsimula sa paunang pag-uusap noong Mayo 29, 2025 sa CAg. Sinundan ito ng serye ng mga pagpupulong, pagbisita, pagpaplano, at paghahanda ng iminungkahing pasilidad sa pananaliksik. Noong Setyembre 2025, iniharap ang Memorandum of Agreement sa SLSU Administrative Council at kalaunan ay pinagtibay ng University Board of Regents.

Panulat at Larawin ni: Ranjit San Jose
Paglalapit ni: SMRRivere
Paglalapit ni: SMRRivere