Anim na imprastraktura ang binasbasan at pinasinayaan sa SLSU Main noong ika-10 ng Agosto, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-62 anibersaryo ng pagkakatatag ng Southern Luzon State University (SLSU).
Kabilang rito ang Multipurpose NSTP Hall mula sa iniabot na ₱300,000.00 na donasyon ni Kgg. Nelson C. Licup, SLSU Board of Regents (BOR) Private Sector Representative. Ang bulwagang ito ay magsisilbing daungan ng mga pagsasanay, programa, at iba pang mga aktibidad ng NSTP.
Nabigyan naman ng Commission on Higher Education (CHED) ng 12 milyong pisong pondo ang rehabilitasyon ng Covered Court. Ang pagsasaayos nito ay naglalayong maging mas komportable ang paggamit ng pasilidad at mas mahubog pa ang kahusayan ng komunidad sa larangan ng palakasan at akademya.
Samantala, apat na proyekto naman ang pinaglaanan ng pondo ng pamantasan.
Isang elevated water tank na may water treatment facility naman ang itinayo upang maayos na makapamahagi ng tubig sa labintatlong gusali, kabilang ang Laboratory High School, Science Laboratories, at SLSU Radio and TV Broadcast Station. Naging posible ito dahil sa pitong metrong taas na tangke ng tubig na may kapasidad na 10,000 litro. Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.
Tatlong silid din ang isinaayos sa ilalim ng proyektong “Fabrication, Rehabilitation and Installation of Trusses and Roofing of Various Buildings Lot 2 – Trusses and Roofing of Three Classrooms at Lab High,” na nagkakahalaga ng isang milyong piso. Kabilang sa mga naisaayos ang pagpapalit ng mga kabal, bubong, palupo, at kisame.
Pormal nang binuksan ang pinondohan na tatlong commercial stalls na may halagang isang milyong piso ng Business Affairs Office (BAO) malapit sa SLSU Hotel. Dalawa rito ay may kabuuang sukat na 12.6 sqm kada isa, samantalang 17.6 sqm naman ang Stall 3. Maliban sa lawak at estratehikong lokasyon nito, ang bawat tindahan ay mayroon ding sariling palikuran.
Sa pamamahala ng BAO, ang tatlong commercial stalls ay bukas para sa sinumang nais magnegosyo.
Gayundin, binuksan ang dalawang unit ng palikuran sa building ng CIT at CTE na nagkakahalaga ng ₱450,000.00.

Panulat at Paglalapat ni: SMRRivere
Mga Larawan ni: Zayla Avengua
Mga Larawan ni: Zayla Avengua