Kasabay sa pagbubukas ng selebrasyon ng ika-62 na anibersayo ng pagkakatatag ng Southern Luzon State University (SLSU) ang pagbubukas ng mga bagong ugnayan na pang-akademiko, pananaliksik, at serbisyong panlipunan na naging opisyal sa pamamagitan ng paglagda ng mga kasunduan na ginanap noong ika-10 ng Agosto.
Sa Memorandum of Agreement (MOA) nito sa National Coordinating Body of Clubs for UNESCO in the Philippines, Inc. (NCBCUP, Inc.), ang ugnayan ay nakatuon sa pagtutulungan para sa Global Citizenship Education, panghabambuhay na pagkatuto, at Education for Sustainable Development. Ang NCBCUP ay magbibigay ng teknikal at pinansyal na suporta, susuriin ang mga panukalang magmumula sa SLSU, at tutulong sa pangangalap ng datos at pagpapalaganap ng resulta sa mga stakeholder ng UNESCO.
Samantala, sa MOA sa pagitan ng SLSU at International Center for Tropical Agriculture (CIAT), kasama ang Alliance of Bioversity International, ang ugnayan ay nakatuon sa internasyonal na pananaliksik at extension collaboration. Layunin nitong pag-aralan ang epekto ng pagkakaiba-iba ng puno at estruktura ng kagubatan sa kakayahang makaangkop sa klima ng Infanta Watershed. May kasama itong pinansyal na suporta, teknikal na tulong, at joint ownership ng intellectual property.
Ang MOA naman kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV‑A ay naglalayong maipatupad ang Pantawid Kilos‑Unlad (KU) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Nakatuon ito sa pagbibigay ng suporta sa mga benepisyaryo ng programa sa pamamagitan ng bolunterismo, capability-building, at pagbabahagi ng datos alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Isang Collaborative Research Agreement naman ang nilagdaan ng unibersidad kasama ang University of the Philippines Los Baños (UPLB) may kinalaman sa magkatuwang na pananaliksik tungkol sa biodiversity ng mga arthropod sa Mt. Banahaw at Mt. Arayat.
Sa pamamagitan ng mga bagong ugnayan, higit na mapapalakas ang kakayahan ng unibersidad na makipagtulungan sa lokal, pambansa, at internasyonal na antas.

Panulat at Lapat: April Arianne A. de Leon
Larawan: Jake Española
Larawan: Jake Española