Pinarangalan ng Southern Luzon State University (SLSU) ang mga kawani, mag-aaral, at iba pang indibidwal at pangkat sa Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) 2026 sa SLSU Gymnasium, Agosto 10.
Una sa mga pinarangalan ang mga mag-aaral na nanguna sa kani-kanilang pambansang licensure examination. Kabilang dito si Adrian B. Baconawa mula sa College of Engineering na nasungkit ang unang puwesto sa Registered Master Electrician Licensure Examination (RMELE), habang nagtala naman si Miko Andre R. Villenas mula sa College of Administration, Business, Hospitality, and Accountancy (CABHA) ng ikalawang puwesto sa Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE).
Samantala, nagtala sina Michelle I. Velasco at Aila Marie M. Prialde ng ikatlo at ikalimang puwesto sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT), ayon sa pagkakasunod.
Nakamit naman ni Alyssa R. Noche ang ikaapat na puwesto sa Electronics Technicians Licensure Examination (ETLE), na siyang kumumpleto sa SLSU examinees na nakapasok sa Top 5 ng kanilang mga pagsusulit.
Bukod sa Top 5, pinarangalan din ang iba pang SLSU students na nakapasok sa Top 10 ng BLEPP, NLE, at LEPT. Sa kabuuan, 12 na topnotchers ang ginawaran ng cash incentives na hindi bababa sa ₱10,000.
Kinilala rin ang mga iskolar ng Faculty and Staff Development Program (FSDP), mga opisyal at kawani, at mga indibidwal at pangkat na naging bahagi ng mga proseso sa akreditasyon at sertipikasyon ng pamantasan.
Kabilang dito ang pagkamit ng international accreditation ng Bachelor of Science in Midwifery mula sa Indonesian Accreditation Agency for Higher Education in Health (IAAHEH) at ISO 9001:2015 certification ng mga kampus ng SLSU Judge Guillermo Eleazar Tagkawayan, Lucena, at Tiaong.
Kasama rin sa programa ang pagkilala sa mga namayapang kawani at mga retiradong empleyado na naglaan ng maraming taon ng serbisyo sa pamantasan.
Sa pamamagitan ng PRAISE, binigyang-pansin ng SLSU ang mga natatanging resulta at serbisyo ng mga mag-aaral, kawani, at iba pang katuwang sa pamantasan.

Panulat: Carelle Caagbay
Mga larawan ni: Jake Española
Paglalapat ni: SMRRivere
Mga larawan ni: Jake Española
Paglalapat ni: SMRRivere